The Leading Thai BL Community in the Philippines

The Shipper – Episode 3 Review

    Eeeehhhh!!!!

Magsisimula ako sa napaka hype na opening song. Napapasayaw na lang ako pag naririnig ko tong kantang to. Ang saya ng OST. Di halatang di ko gusto. Download ko nga sa Spotify mamaya.. lol!

 

The pagpapanggap continues without P’ Jennie. Akalain mo may nagpuntang Milan para sundan ang amo niya para sa mabalik sa original na katawan si Pan. Bongga! Ayun na nga alam na halos ng lola mo yung mga bagay bagay tungkol kay Kim. Expectation versus reality yung eksena sa CR. Kala mo ha makaka score ka siszt! HAHAHA! Kidding aside, in reality may gusto ding I point yung episode na ito. It shows us how teenagers are mapusok sa panahon ngayon, Hormones are raging! So sa mga kapatid natin jan, be careful and stay safe. Dasal dasal talaga kailangan! 

 

 

Keep your friends close. Keep your enemies closer. Eto yung motto ng Best Friends Forever group eh! Phing!!! Gigil ako sa’yo eh! Who’s with me?! Pasukin natin sa screen sa next episode! WAHAHAHA! I feel sorry for Soda. Sakit kaya sampalin ng cellphone. Ikaw na ba susunod kay Third, ghorl? Ang mahiwagang bidet.  Super Khetttt to the rescue! Bakit ba ang pogii?! Pano ka ba ginawa at ganyan ka kagwapo? Feeling ko may something tong si Soda kay Khet. Feeling ko lang naman yun. Abangers lang talaga tayo. Hihi…

 

 

Way and Kim reunited! Ang cute nilang dalawa. Medjo pasintabi lamang tayo sa part na ‘to. Di ko carry na ganun kalaki lumabas sa ilong ni Kim. WAHAHAHA. The piggy back ride was so cute din. The revelation is shocking din no? Like para saan yung kwento? Haist! Gigil na naman ako eh. HAHAHA. I like the realization na mali yung iniisip ni Pan about kay Way.

 

 

Akala ko parang typical na episode lang but nagkamali ako. It gives us an insight on how is the society doing nowadays. Na realize ko wag tayong padala kaagad sa mga magagandang salita. Let us reflect before doing decisions. Lastly this episode teaches us on not to judge so quickly base on what we hear or see.

Until next review mga Raikans!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *